HISTORY
Sang-ayon sa pananaliksik , ang Barangay Sta. Rita ay dating nasasakop ng barangay Panggulayan. Ang mga mag-aaral dito ay sa Mababang Paaralan ng Panggulayan pa pumupunta para pumasok. Doon din isinasagawa ang anumang pampamahalaan at pangkabuhayang transaksyon. Dahil may kalayuan din ang pakikipagtalastasan sa kinauukulan kung may mga pangangailangan ang sinumang naninirahan dito, gayundin, dumarami ang bilang ng mga mamamayan ay ipinasiya ng mga pinagtitiwalaang namamahala ng nayon na magsarili na. Kaya’t pinagkaisahan nilang maghain ng pormal na kahilingan sa konseho ng bayan ng Pinamalayan at Panlalawigan. Buong tiyaga na naghintay upang dinggin at maaksiyunan ang kahilingan ng mamamayan sa pangunguna ni G. Felipe Melaya sa tulong ni G. Pablo Feliciano, isang retiradong kawal na dating naninirahan sa nayong ito. Nagbunga ang pagtitiyaga ni G. Felipe Melaya at siya ang hinirang na pansamantalang mamuno sa barangay, at nang magkaroon ng halalan ay mapalad siyang nahalal at naging kauna-unahang Kapitan del Baryo noong 1961 hanggang 1965.
GEOGRAPHICAL AND RESOURCES ENDOWNMENT
It is situated at the eastern part of the Pinamalayan. It is bounded on the North by Barangay Cacawan, on South by Barangay Maningcol, on East by Barangay Marfrancisco, and on the west by Barangay Panggulayan. It is 2 kilometers from the Poblacion and 64 kilometers from the Provincial Capital.
DEMOGRAPHY
Barangay Sta. Rita has a total population of 2,952 according to CBMS Census 2014 with 1,478 males and 1,474 females and had the total household of 674.
CHECKLIST OF FUNCTIONS AND SERVICES
ACTIVITIES
PERFORMANCE PROFILE AND INCOME
BARANGAY OFFICIALS